BONG GO, ERWIN TULFO, NANGUNANG KANDIDATO SA PAGKASENADOR SA MARSO — SWS

Quezon City, Philippines — Dalawang buwan bago ang 2025 Midterm Elections sa Mayo, kilalanin ang mga kandidatong napipisil ng masa para sa pagkasenador, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa Voter Preference for Senators survey ng SWS para ngayong buwan ng Marso, nangunguna pa rin sa listahan sina Senador Bong Go at ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo na kapwa nasa Rank 1-2 na may 42% na preference vote.

Sa nakalipas na apat na buwan, nananatiling consistent sa Rank 1 si Tulfo sa naturang survey, habang Rank 2 naman sa nakalipas na buwan si Go.

Kapwa naman nasa rank 3-4 sina Ben Tulfo at dating Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 34%.

Nasa ikalimang pwesto naman sa listahan si Senador Lito Lapid na may 33%, sinundan ni senador Bong Revilla na may 32%, at senadora Pia Cayetano at dating senador Ping Lacson sa rank 7-8 na kapwa may 31%.

Kabilang din sa magic 12 ng SWS sina senador Bato Dela Rosa na may 30%, Willie Revillame na may 28%, at outgoing Makati Mayor Abby Binay, dating senador Manny apcquiao, at Camille Villar na kapwa may 27%.

Ang naturang survey ay isinagawa noong ika-15 hanggang ika-20 ng Marso sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1800 na rehistradong botante bilang participants ng survey.

Share this