BONG GO, HANDANG HARAPIN ANG KASONG PLUNDER, GRAFT NA SINAMPA NI TRILLANES SA OMBUDSMAN

Manila, Philippines – Matagal na aniyang hinihintay ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na dalhin sa tamang korte ang mga ibinibintang sa kanya kaugnay sa pagkakasangkot niya sa korapsyon. 

Ito’y matapos kasuhan ng kasong plunder at graft sina senator Bong Go, si dating President Rodrigo Roa Duterte, Deciderio Lim Go, at Alfredo Armero Go ni dating senator Antonio Trillanes sa Office of the Ombudsman. 

Pahayag ni Go handa siyang tumugon at makipagkaisa sa imbestigasyon kaugnay sa isyu ng flood control project.

Inihalintulad din ng Senador sa isang playbook ang nangyayari, dahil sa pagkakaroon umano ng script. 

Naniniwala siya na kalaunan ang katotohanan pa rin ang mananaig. 

Umaasa siya na magiging patas ang ombudsman sa magiging paglilitis. 

Binigyang diin niya na kaisa siya ng mga Pilipino sa pagpapanagot ng mga opisyal na sangkot sa paglulustay ng pera ng taumbayan.

Hinikayat ni Go ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Office of the Ombudsman na katotohanan ang hanapin.  

Kaninang alas onse ng tanghali, isinumite ni Trillanes ang kaso laban kina Go sa Ombudsman. 

Batay sa reklamo ng dating senador, nakapag secure ng bilyong bilyong kontrata mula sa gobyerno ang CLTG Builders at Alfrego Builders na pagmamay-ari ng ama at kapatid ni GO.

Anya Trillanes, umabot sa 6.95 billion pesos ang halaga ng kabuuang kontrata na nakuha ng kapatid at ama ni Go. 

Nagkaroon din ng joint venture ang CLTG builders sa St. Gerrard Construction na pagmamay-ari ng mga Discaya. 

Base aniya sa batas, hindi maaaring magkaroon ng kontrata ang kamag-anak ng isang pulitiko hanggang 4th consanguinity.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this