Manila, Philippines — Isang linggo bago ang nakatakdang 2025 National and Local Elections sa ika-12 ng Mayo, kilalanin ang mga kumakandidato sa pagkasenador na bumubuo sa nanguna sa Voter Preference report ng Pulse Asia survey.
Batay sa resulta ng April 20-24 survey na inilabas nitong Lunes, nangunguna pa rin si re-electionist Bong Go sa mga kandidatong napipisil ng masa na iboto ngayong halalan.
Sa tanong na kung ngayon gaganapin ang eleksyon, nakakuha si Go ng 62.2% na boto, ayon sa Pulse Asia.
Sinundan sya ni ACT CIS representative Erwin Tulfo na may 42.4%, dating Senate President Tito Sotto na may 41.1%, Senador Bato dela Rosa na may 41%, Senador Ramon Bong Revilla Jr. na may 35.6%, at dating Senador Ping Lacson na may 33.8%.
Pasok din sa Magic 12 ng Pulse Asia sina Ben Tulfo na may 33.5%, senador Lito Lapid na may 32.2%, outgoing Makati Mayor Abby Binay na may 30.2%, senador Pia Cayetano na may 29.9%.
28.6% na boto para kay Willie Revillame, kapwa 28.3% para kay Camille Villar at dating Senador Manny Pacquiao, at 25.4% naman para kay dating Senador Bam Aquino.
Sa listahang ito, siyam ang mula sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na inendorso ng administrasyong Marcos, habang dalawa naman ang mula sa PDP-Laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, ayon sa Pulse Asia, 27% lamang ng mga rehistradong botante sa bansa ang kumpleto na ang 12 senador para sa darating na halalan.