BOXING LEGEND RICKY HATTON, PUMANAW NA

Pumanaw na ang boxing legend na si Ricky Hatton, sa edad na 46 kahapon, September 14, 2025. 

Si Hatton ay isa sa mga nag domina sa larangan ng boxing at nakilala bilang “The Hitman,” na bakas sa bagsik ng kanyang performance sa loob ng ring. 

Siya ay may significant 71% sa pagpapatumba sa kalaban, kaya’t masasabing may pambihirang lakas ang kamao nito. 

Nakilala rin sya bilang kampyeon sa Welterweight at Super Lightweight Division. 

Ang boxing record niya ay 45-3 -0; natalo din lamang siya sa mga icons sa larangan na sina Vyacheslav Senchenko, Floyd Mayweather Jr., at ang pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao. 

Nagretiro siya sa professional boxing noong 2012, ngunit nagpatuloy sa larangan bilang trainer.

Ang buong mundo lalo na ang boxing community ay nagulat sa balitang ng kanyang pagpanaw.

Naglabas din ng pahayag ang ating pambansang kamao dito na patungkol sa kung gaano niya nirespeto bilang boxer at tao si Hatton. 

“I am deeply saddened to hear about the passing of Ricky Hatton.  He was not only a great fighter inside the ring but also a brave and kind man in life.  We shared unforgettable moments in boxing history,” hayag ni Pacquaio nitong Linggo (September 15, 2025).

“I will always honor the respect and sportsmanship he showed. Ricky fought bravely, not just in the ring, but in his journey through life. He truly had a good fight, and we are all blessed to have been part of his wonderful journey,” dagdag nito.

“My heartfelt prayers and condolences  to the Hatton family and loved ones. May he rest in peace.”

Nawalan man ng isang legend na nagbigay ng malaking influence sa larangan, hindi maitatangging “his legacy lives on.”—Kyle Basa, Eurotv News

Share this