MANILA, PHILIPPINES – Patuloy na nakikibahagi ang Barangay Paligue sa Candaba, Pampanga sa Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, Kadiwa’y Yaman (HAPAG) na isa sa mga inisyatibang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinangungunahan naman ng Department of Agriculture (DA) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang naturang programa ay naglalayong matugunan ang kagutuman sa bansa.
Sa naging panayam ng Eurotv News kay Brgy. Captain Randy Manio isa sila sa mga komunidad na mahigpit na tumutugon dito.
Malaki raw ang maitutulong nito sa lahat ng mga barangay sa bansa upang magkaroon ng mapagkukunan ng pagkain sa kani-kanilang bakuran sa lahat ng oras.
“So, ang Barangay Paligui ay isa lamang sa brgy na tumugon sa ganitong inisyatibo ng ating mahal n Pangulo kaagapay ang DILG na kung saan at ang Agriculture para makapagbigay ng mga punla, seedlings na itatanim ng bawat mamamayan.” sabi ni Brgy. Chairman Randy Manio
“Ang mga gulayan po dito sa bawat barangay po natin ay napakalaking tulong po sa ating barangay, actually po pag wala silang ulam maaari po silang pumitas sa gulayan para maklatipid po sila.” Ayon naman kay Kagawad Junel Delapena
Lahat din daw ng nasasakop na purok ng Brgy. Paligui ay mayroong sari-sariling gulayan na napapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan.
Sa katunayan para mas natutukan daw ang naturang programa at siguraduhing maayos na napapangalagaan ang kanilang mga tanim na nasasakop ng barangay paligui, inatasan ni Manio ang kanyang mga kagawad na maging abala sa pagbabantay sa mga ito.
Hindi naman daw hadlang ang lupang pagtatamnan sakanilang barangay dahil isinusulong daw nila ang pagtatanim kahit sa mga recycble jar na makikita lang din sa bawat tahanan.
Samantala, Dahil sa patuloy na pagsisikap ng kanilang Punong Barangay kinilala ito ng Gawad Pilipino Awards bilang ‘Most Active Barangay Chairman’ habang ang kanilang namang Community Garden ay nabigayn din ng pagkilala bilang ‘Pinakamahusay na Gulayan sa Barangay’.
“Inaalay ang award na ito sa ating mga ka barangay na patuloy na sumusuporta sa ating adhikain ng Hapag at sa ating mga constituents na patuloy na sumusuporta sa project na ito.” ani Manio
Ang HAPAG ay isa lang sa mga inisyatibang programa ng pamahalaan na naglalayong palakasin ang food sufficiency at food security sa bansa sa pamamagitan ng malawakang pagtatanim ng mga gulay at prutas sa mahigit 42,000 barangay.
Samantala, sa ngayon nasa mahigit 27,000 community garden na ang mayroon sa bansa, yan ay simula ng maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakanyang puwesto.