Manila, Philippines – Nakabalik na sa Port Area Manila ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG) na lumahok sa limang araw na pagbisita nito sa Manado, Indonesia Port.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na sya ring Chairman of the ASEAN Coast Guard Forum, binigyang-diin nito ang kahalagan ng naturang port visit ng PCG sa pagsusulong ng kaligtasan, seguridad, at kaunlaran sa dagat sa rehiyon sa pamamagitan ng strategic cooperation at collaboration.
Anya ang ganitong pakikipagtulungan sa ating mga counterparts partikular na ang Indonesia ay malaking bagay para sa sama samang paghahangad ng peace, security, at sustainable progress sa Association of SouthEast Asia Nation (ASEAN) community.
Sa likod ng tagumpay na ito ay naroon ang hindi natitinag na professionalism ng coast guard sa kabila ng pagod at puyat para lamang maisakatuparan ang misyon, dagdag pa nito.
Samantala nagpaabot ng pasasalamat ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) Commanding Officer, Captain Lawrence Roque sa mga opisyal ng coast guard sa kanilang pamumuno at tiwala.
Pinasalamatan din niya ang mga tripulante sa kanilang dedikasyon at pakikipagkaibigan sa panahon ng misyon.
Nanindigan rin ito a mananatili sila para sa pagtitiyak ng katahimikan at kaligtasan sa ating mga teritoryo sa dagat.
Posible namang magkaroon ng parehong aktibidad ang bansa at sa iba pang mga bansa gaya na lamang ng Vietnam, Thailand, at Malaysia.