BUYING PRICE NG PALAY, HINDI BABABA – MARCOS

Nueva Ecija, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi bababaan ng National Food Authority (NFA) ang buying price ng palay kahit pababain pa ang presyo ng bigas sa merkado.

“Kahit anong presyo sa palengke, hindi bababa ang buying price ng palay ng NFA,” saad ng Pangulo sa pakikipagpulong niya sa mga magsasaka sa Nueva Ecija.

Ayon kay Marcos, nananatili sa P19–P23 kada kilo ang presyo ng tuyong palay at P18 kada kilo para sa basang palay.

Batay sa Pangulo, layunin ng gobyerno na mapanatili ang kita ng mga lokal na magsasaka habang sinisikap na gawing abot-kaya ang presyon ng bigas para sa mga Pilipino.

“Titiyakin namin na ‘yung hanapbuhay ng ating mga magsasaka ay mabuti-buti naman. Hindi laging naghihirap, hindi laging hinuhulaan lamang kung ano ‘yung dapat gawin para pagandahin ang ani,” paliwanag ng Pangulo.

Bukod dito, sinabi rin ni Marcos na patuloy ang suporta ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng pagbili ng abono at pesticide upang mapababa ang gastos ng mga magsasaka. — Freda Ordinado, Contributor

Share this