CACDAC, NANUMPA NA BILANG AD INTERIM SECRETARY NG DMW

Manila Philippines — Namunpa na si bagong talagang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW) si Hans Leo Cacdac sa Malacañang Palace.

Pormal na nanumpa si Cacdac kay Executive Secretary Lucas Bersamin, kapahon.

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Cacdac bilang ad interim Secretary ng DMW noong Biyernes matapos na ma-bypassed ng Commission on Appointment sa Kongreso ang deliberasyon sa pagtatalaga kay Cacdac.

Bunsod na rin ng pagsasara ng ikalawang regular na Session ng mababang kapulungan ng Kongreso noong May 23, 2024.

Kabilang sa mga dumalo sa panunumpa ni Cacdac ay ang mga senior officials ng DMW na sina Undersecretaries Bernard P. Olalia at Patricia Yvonne “PY” M. Caunan at mga Assistant Secretaries Violeta D. Illescas at Felicitas Q. Bay.

Una na ring tiniyak ni Cacdac na mamatili sila sa pagititiyak ng karapatan, kalagayan at proteksyon ng mga verseas Filipino Workers (OFW).

“…we pledge to uphold the mandate entrusted to us by the President and Constitution. We are the primary guardians of the rights, welfare, and protection of our OFWs. With utmost integrity and transparency, we will seek justice for our aggrieved OFWs,” sabi ni Cacdac sa isang pahayag noong Biyernes.

Unang itinalaga si Cacdac bilang Officer-in-Charge ng DMW, pitong buwan ang nakalilipas noong pumanaw si dating Secretary Susan “Toots” Ople noong August 2023.

Nagsibi ding DMW Undersecretary si Cacdac, Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); Executive Director V ng Philippine Employment Administration (POEA); at Undersecretary of the Department of Labor and Employment (DOLE).

Nauna na ring sinabi ni Pangulong Marcos na may tiwala at kumpiyansa siya kay Cacdac sa pagtitiyak ng maayos na kalagayan ng mga OFW.

RELATED: MARCOS REAPPOINTS CACDAC AS AD INTERM SECRETARY OF DMW

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this