Manila, Philippines — Nagsimula na ngayong ngayong ika-28 ng marso, ang 45-day campaign period para sa mga kumakandidato sa mga lokal na posisyon ngayong midterm elections.
Batay sa datos ng Commission on Elections, mayroong kabuuang 41,342 na mga kandidato para sa district representatives, gobernador, vice governor, provincial board members, mayor, vice mayor, at councilors ang nakatakdang mangampanya para sa darating na halalan.
Kasabay ng pagsisimula nito, may mga paalala naman ang COMELEC para sa mga kumakandidato: sumunod sa mga alituntunin ng ahensya patungkol sa halalan.
Para sa mga campaign materials gaya ng pamphlets, leaflets, cards, decals, stickers, posters, standees, at LED displays, basta’t pasok ito sa standard at rules ng COMELEC.
Samantala, mahigpit din ang paalala ng Komisyon patungkol sa mga lugar kung saan lamang maaaring magpaskil ang mga kandidato ng kanilang mga campaign materials.
Nagbabala naman ang Comelec sa mga kandidatong na huwag balewalain ang mga ipadadalang notice ng ahensya para tanggalin ang anumang campaign materials na lumabag sa alituntunin, at sumunod lamang sa kung ano ang itinatakda ng komisyon.