CAR-FREE SUNDAY, IPAPATUPAD NA SA JUNE 9 SA BACOLOD

Bacolod City – Inihayag ni mayor Alfredo “Albee” Benitez na ang pamahalaang lungsod ng Bacolod ay magpapatupad ng car-free sunday simula ika-9 ng hunyo.

Ang mga ruta kabilang ang Lacson St. mula Ramos hanggang South Capitol Road ay sarado sa lahat ng mga sasakyan mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. tuwing Linggo.

Ayon pa kay Mayor Benitez na dahil dito, masisiyahan ang mga tao sa apat na oras na paglalakad, pagbibisikleta, at pag-explore ng iba pang aktibidad sa komunidad.

Ang inisyatiba na ito ay bahagi rin ng buwan ng kapaligiran kung saan itinataguyod nila ang magandang kalidad ng hangin at pinapataas ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga benepisyo ng paglalakad, pag-jogging, pagtakbo, at pagbibisikleta bilang malaking paraan sa paglalakbay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this