Cagayan, Philippines – Makakatatanggap na ng centenarians ang 27 na senior citizens sa Lambak, Cagayan mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Alinsunod sa direktiba ni NCSC Chairperson and Chief Executive Officer Atty. Merceditas N. Guttierez na dapat makatanggap ang lahat ng nakatatanda na umabot sa edad na 100 years old.
Ayon sa ahensya pinabilis ang pamamahagi ng cash gift para sa mga senior citizens. Sa ngayon nasa P2.7-M na halaga na ng cash grant ang handa nang ipamigay ng NCSC Region II sa Lambak Cagayan para sa 27 centenarians.
Inaasahang 4,407 na senior citizens ang mababayaran mula February 23 hanggang March 13 sa 93 na bayan sa region II. Kinabibilangan ito ng 3,528 octogenarians, 852 nonagenarians at 27 centenarians.
Kasunod nito mas pinalawak rin ng ahensya ang paghahanap sa mga nakatatandang centenarian sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan upang tiyaking matanggap ng P100K ang lahat ng nakatatanda mula sa national government at felicitation letter mula sa tanggapan ng Pangulo.
Tig-sampung libong piso naman ang tatanggapin ng octogenarians o mga edad 80 at 85 pati na ang mga nonagenarian o mga matatandang edad 90 at 95.
Patuloy rin na nakikipag-ugnayan ang NCSC sa lahat para mahanap pa ang mga centenarian na hindi pa umano nakatatanggap ng regalo mula sa pamahalaan at upang maipaliwanag din ng ahensya ang proseso ng aplikasyon.
Samantala, magsisimula naman ang pagbisita ng ahensya sa mga centenarian at pamamahagi ng cash gift sa February 13 hanggang March 13.—Grachella Corazon, Eurotv News