Manila, Philippines – Nasa teritoryo pa ng Pilipinas si Cassandra Ong, ayon sa Palasyo.
Base sa impormasyon ng Malacañang mula sa Department of Interior and Local Government Unit (DILG), nasa loob pa ng bansa si Alice Guo at hindi pa nakaalis sa Pilipinas.
Noong nakaraan, nagpatong ng isang milyong piso ang DOJ sa ulo ni Cassandra Ong, bilang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroronan ng babae.
Naghain na ng pabuya ang DOJ matapos palabasin sa Correctional Institutuon of Women si Cassie.
Samantala, base sa huling impormasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), huling nakita ang lokasyon ni Ong sa Japan, pagkaraan ay wala nang impormasyon na natanggap ang ahensya.
Kasama si Alice Guo, nahaharap sa kasong qualified human trafficking si Cassandra Ong.—Krizza Lopez, Eurotv News