Cebu, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang buong probinsya ng Cebu sa pamamagitan ng resolution at Executive Order No. 57 na inilabas ng Provincial Board matapos ang pananalasa ng Magnitude 6.9 na lindol.
Nakapagtala naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ng daan-daang aftershocks sa Bogo City, Cebu kung saan naging sentro ito ng pagyanig na naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), alas dyes ng gabi ng maramdaman ang pagyanig sa naturang probinsya.
Nakuhanan naman ng video ng ilang residente ang mga pangyayari sa kasagsagan ng lindol.
Makikita sa video ang ilang empleyado na nakatago sa ilalim ng la mesa habang humihingi ito ng saklolo matapos gumuho ang bahagi ng isang mall sa Cebu City.
Sapul rin sa CCTV ang pagyanig sa Barangay Sawang Calero, napatakbo sa kalsada ang mga residente at ang iba sa kanila ay napayakap nalang sa kanilang kasama.
Nagkaroon naman malalaking bitak ang national highway sa Bogo City, hindi bababa sa 20 katao na ang napaulat na nasawi sa lugar.
Hindi rin nakaligtas sa pagyanig ang simbahan sa Poblacion, Daanbantayan sa Cebu, kung saan halos gumuho na ito dahil sa lakas ng lindol.
May mga naiulat rin na namatay at nasugatan dahil sa paglindol, ilang mga residente sa lugar ang humihingi ng tulong dahil sa mga naiulat na na-trap sa ilalim ng mga gumuhong imprastraktura.
Samantala, agad naman na nagtayo ng joint-operation center si Cebu Governor Pamela Baricuatro katuwang ang AFP upang agarang makapaghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.
Nagdeklara narin ng suspensyon sa lahat ng klase ang probinsya, ito ay ang mga sumusunod:
- Alcantara
- Alcoy
- Alegria
- Aloguinsan
- Argao
- Asturias
- Badian
- Bantayan
- Barili
- Bogo City
- Boljoon
- Borbon
- Carcar City
- Carmen
- Compostela
- Consolacion
- Cordova
- Daanbantayan
- Dalaguete
- Danao City
- Dumanjug
- Ginatilan
- Liloan
- Madridejos
- Malabuyoc
- Mandaue City
- Medellin
- Minglanilla
- Moalboal
- Naga
- Oslob – All levels (public schools)
- Pilar
- Pinamungajan
- Poro
- Ronda
- Samboan
- San Fernando
- San Francisco
- San Remegio
- Santa Fe
- Santander
- Sibonga
- Sogod
- Tabogon
- Tabuelan
- Talisay
- Toledo
- Tuburan
- Tudela
Kaugnay nito tumatanggap naman ng lahat ng uri ng donasyon ang Probinsya ng Cebu tulad volunteers, goods, at transportation na tulong para sa mga naapektuhan ng lindol.-Grachella Corazon, Eurotv News