CEO NG EAGLES 1 MARKETING CORP, NANAWAGAN NG PAGKAKAISA SA GITNA NG MGA SAKUNA

Manila, Philippines — Sa unti-unting pagbangon ng mga biktima ng lindol sa Cebu at mga nagdaang bagyo, patuloy at muling nanawagan ng pagkakaisa si Dr. Jessie R. Royo, CEO ng Eagles 1 Marketing Corporation, bilang pagtugon sa patuloy na pangangailangan ng mga biktima.

Binigyang-diin kasi ni Royo ang kahalagahan ng bayanihan sa panahon ng krisis, na siyang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.

Kaya naman, hinihimok niya ang bawat mamamayan na paigtingin ang kanilang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa upang makapaghatid ng tulong, maliit man o malaki.

Kasabay ito ng kanyang patuloy na panghihikayat sa iba’t ibang sektor, mula sa mga kumpanya at organisasyon hanggang sa maliliit na komunidad, na makiisa sa paghahatid pag-asa sa mga apektado.

Nauna na ring inihayag kamakailan ng Eagles 1 Marketing ang kanilang plano na magsagawa ng agarang hatid-tulong sa mga nilindol ng Cebu.

Ito ay bahagi ng kanilang patuloy na humanitarian causes, na pangungunahan mismo ni Royo.

Samantala ang mga magagandang hakbang naman ng korporasyon, kinilala ng isang award giving body nito lamang.

Dahil sa dedikasyon sa lipunan, nirecognisa bilang Global Excellence Awardee ang korporasyon sa ginanap na Gawad Pilipino Awards noong Agosto 30, 2025.

Ani Gawad Pilipino, “Eagles 1 Marketing Corporation has exemplified true Filipino values of hard work, innovation, and service to the community, making them a beacon of success not just locally, but globally.”

Share this