Manila, Philippines – Inaasikaso na ng gobyerno ng Pilipinas ang chartered flight para sa pag-uwi ng overseas filipino workers mula sa Middle East, ayon kay President Ferdinand Marcos Jr.
Pahayag ng Pangulo sa kanyang press briefing sa New York, bahagya nang lumuwag ang sitwasyon para sa mga air flight sa Middle East.
Posible aniyang dalawang flight ang asikasuhin ng gobyerno, isa para sa mga OFW na nasa Riyadh at isa para sa Fujairah.
Nakikita rin ng pangulo bilang isa sa mga paraan para mapauwi ang mga Pilipino ang land border mula sa United States Emirates at Israel.
Iniutos ni Pangulong Marcos na magpasama ng mga opisyal mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines at si Migrant worker Secretary Hans Leo Cacdac para suriin ang kaligtasan ng mga Pilipino at maging ng kasalukuyang sitwasyon sa gitnang silangan.
PANGULONG MARCOS, BALAK IDEKLARA BILANG URGENT ANG HILING NA EMERGENCY POWER
Samantala, plano nang ideklara ni Pangulong Marcos bilang urgent ang hiling niyang emergency power sa kongreso.
Partikular ang special power na bawasan o suspendihin pansamantala ang excise tax sa produkto NG langis.
Noong Martes, inaprubahan na ng Kamara ang hiling ni Pangulong Marcos kasunod ng pagpapatupad ng big-time price increase sa mga produkto ng petrolyo kahapon.—Krizza Lopez, Eurotv News