CHINA, DINEPENSAHAN ANG PAGPAPAKALAWA NG FLARE SA JOINT PATROL NG PH

Manila Philippines – Dumipensa ang gobyerno ng China kaugnay sa pagkakawala ng flare ng People’s Liberation Army – Air Force sa kasagsagan ng joint patrol ng Pilipinas, Estados Unidos, Canada at Australia sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jiang, bahagi umano ng teritoryo ng China ang Huangyan Daokaya’t may karapatan daw ang Beijing sa adjacent airspace at waters sa Scarborough Shoal.

Nanghimasok umano ang Philippine military aircraft sa adjacent airspace ng Huangyan Dao, labag daw ito sa soberanyan ang international law at sa international na relasyon ng gobyerno.

“Philippine military aircraft twice intruded into the adjacent airspace of Huangyan Dao, which gravely infringed upon China’s sovereignty and violated international law and the basic norms governing international relations,” ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian sa isang press briefing.

Bahagi lamang daw ng legal na hakbang ng Beijing ang ginawa ng kanilang Air Force laban sa mga tropa ng militar.

Giit pa ng gobyerno ng China panunukso ang ginawa ng Pilipinas na joint patrol.

“…what the Philippines did with its aircraft was clearly a deliberate provocation,” dagdag pa ng tagapagsalita ng China.

Una nang kinondena ng gobyerno ng Pilipinas ang delikadong aktibidad ng China laban sa tropa ng militar dahil nagdulot ito ng panganib sa Air Force personnel.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) naghain na sila ng panibagong diplomatikong protesta laban sa China matapos ang insidente.

Pero sa pagdinig ng kongreso kahapon, sinabi ng opisyal ng DFA na hindi raw saklaw ng kasalukuyang provisional understanding ang joint patrol na isinagawa ng air force.

Dahil tanging Rotational Resupply (RORE) mission lang ang pinapayagan sa provisional agreement.

Gayunpaman posible pa raw na baguhin ang naturang kasunduan sa pagitan ng Beijing at ng Manila.

Sa kabuaan, as of August 12, 2024 umabot na sa 40 diplomatikong protesta ang naihain ng gobyerno ng Pilipinas laban sa China ngayong taon.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, 173 na note verbale na ang naihain.

Share this