Manila, Philippines – Binalaan ng China Ministry of Education ang mga Chinese students na nagpplanong mag-aral sa Pilipinas kaugnay ng mga umano’y bantang pang-seguridad.
Nitong Biyernes, nagbaba ang China MoE ng ikalawang study abroad warning bilang babala para sa kanilang mga estudyanteng nagbabalak na mag-aral sa Pilipinas.
Batay sa nasabing abiso, mayroon umanong public security unrest sa Pilipinas at na kadalasan umanong target ng iba’t ibang krimen sa bansa ang mga Chinese nationals.
Matatandaan na nauna na ring naglabas ng abiso ang embahada ng China kaugnay ng umano’y tumataas na mga insidente ng pang-ha-harass sa mga Chinese nationals na nananatili sa Pilipinas.
Ang mga insidenteng ito, mas pinalalala anila ang banta sa kaligtasan at kapakanan ng mga Chinese nationals na naninirahan sa Pilipinas.
Bunsod nito, nagpaalala ang China Ministry of Education sa mga Chinese students na magsagawa ng safety risk assessment at paghandaan ang mga posibleng banta sa kaligtasan bago magdesisyong mag-aral sa Pilipinas. —Mia Layaguin, Eurotv News