CHINA, PINAG-IINGAT ANG MGA MAMAMAYAN UKOL SA ‘UNSTABLE PUBLIC SECURITY’ SA PILIPINAS

Makati City, Philippines — Nagbabala ang pamahalaan ang China sa mga mamamayan nito na nasa Pilipinas patungkol sa anila’y “unstable” na seguridad at sitwasyon sa Pilipinas.

Sa isang abiso sa website ng Chinese Embassy in the Philippines, pinaalalahan ng China ang mga mamamayan nito na umiwas sa paglahok sa mga political rallies at similar na demonstrasyon sa Pilipinas.

Batay sa naturang advisory, madalas na rin anilang nagkakaroon ng interogasyon laban sa mga Chinese nationals at kanilang mga negosyo sa Pilipinas, na nagiging banta sa kanilang seguridad.

Bukod sa mga paglahok sa mga rally at pag-iingat sa kanilang seguridad, pinaalalahanan din nito ang mga nagbabalak pumunta sa Pilipinas na i-reassess ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa bago tuluyang bumisita.

Kasunod nito, sinabi ng embahada na sakali mang may mga Chinese nationals na kailangan ng tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa embahada at konsulado sa Maynila, Cebu, at Davao.

Ang abisong ito ay maiuugnay sa umiiral pa ring alitan sa teritoryo at sa mga Chinese nationals na sangkot sa ilegal na operasyon ng POGO sa Pilipinas.

Share this