MANILA PHILIPPINES – Mas dumami pa raw ang mga barkong pandigma ng china na namonitor sa West Philippine Sea nitong ayon sa kumpirmasyon n Philippine Navy ngayong martes.
Naitala ito mula August 6 hanggang 12 kung saan aabot sa siyam na barko ng People’s Liberation Army
Navy (PLAN), 13 China Coast Guard (CCG) vessels, at dalawang research vessel ang namataan sa WPS..
Sa datos ng Philippine Navy, isang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang namataan sa Ayungin Shoal, dalawa sa Pag-Asa Islands, isa sa Likas Island, isa sa Patag Island, tatlo sa Sabina Shoal, at isa sa Iroqui Reef.
Mas mataas ang mga ito kumpara sa tatlong PLAN ships, 12 CCG vessels, at isang research ship na sinusubaybayan noong nakaraang linggo.
Sa kabuuan raw umabot na sa 122 barko ng China, na kinabibilangan ng 3 PLAN vessel, 12 Chinese Coast Guard vessel (CCGV) vessel at 106 Chinese Maritime Militia vessel (CMMV) ang na-monitor ng Philippine Navy.
Matatandaan nitong august 7 nang salubungin ng isang barko ng CCG ang isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagbibigay ng tulong sa mga mangingisdang Pilipino sa WPS.
Kahapon lang nang maghain ng diplomatikong protesta ang Pilipinas laban sa China matapos magsagawa ng mga delikadong aksyon ang air force ng Beijing sa Scarborough Shoal.