CHINA, WALANG NATANGGAP NA ASYLUM REQUEST MULA SA KAMPO NI FPRRD — SPOX

ChinaWalang Asylum request mula kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang malinaw at direktang tugon ng gobyerno ng China patungkol sa mga ulat ng umano’y pagsubok nito na magkaroon ng asylum sa China bago maaresto sa Pilipinas.

Sa kanyang regular press conference nitong Lunes, ika-24 ng Marso, sinabi ni China Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun na walang natanggap ang Chinese government na kahit anong aplikasyon para sa isang asylum mula sa dating Pangulo o sa kanyang pamilya.

Ang paglilinaw na ito ay sa gitna ng mga ulat na sinubukan umanong humiling ni Duterte ng asylum sa China nang bumisita ito sa HongKong, at na tinaggihan ito ng China.

“Let me point out in particular that Mr. Duterte’s visit to Hong Kong was a private vacation trip. We have never received the so-called application for asylum to the Chinese government from former president Rodrigo Duterte or his family,” Guo said.

Dagdag nya, ang naging pagbisita ng dating pangulo sa HongKong ay naipaliwanag na rin aniya ng  Commissioner’s Office of China’s Foreign Ministry sa HongKong, maging ng ilang mga opisyal sa Pilipinas.

Matatandaan na makaraang magbalik sa Pilipinas, inaresto ang dating pangulo sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga naging pagkasawi sa ilalim ng kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

Kasabay nito, nanawagan din sya sa media na busisiin munang mabuti ang kanilang mga sources at impormasyon bago ito ilathala sa publiko.

We hope people from the media can be careful about the so-called “information from sources”, either unfounded or ill-motivated, and do not easily believe what they hear,” Guo added.

Share this