Makati City, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese National dahil sa pagbebenta ng mga ilegal na droga sa Makati City.
Sa ilalim ng pamumuno ni NBI Director Judge Jaime Santiago, nakatanggap ang kapulisan ng isang impormassyon patungkol sa isang alias na ‘Tang,’ na kalaunan ay nakilala bilang Wang Kejun, na sangkot sa pagbebenta ng shabu.
Agad na nakipagkoordina ang mga awtordiad sa Philippine Drug Inforcement Agency and Philippine National Police (PNP) at nagsagawa ng test buy operation sa isang lugar sa Makati City.
Kung saan nakabili ang mga ito sa suspek ng white crystalline substance na umano’y shabu na nakapaloob sa isang maliit na self-sealing transparent plastic sachet.
Nakuha kay Wang Kejun ang labing isang self-sealing transparent plastic sachets na naglalaman ng nasabing ilegal na droga.
Nagsagawa naman ang NBI-Forensic Chemistry Division ng laboratory examination, kung saan nagpositibo ito bilang ilegal na droga o shabu.
Mahaharap sa kasong paglabag ang suspek sa RA No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.