COC, ISASAPUBLIKO NGAYONG 2025 ELECTIONS–COMELEC

Manila, Philippines – Naglabas ng utos ang Commission on Elections (COMELEC) na nagtatakda sa mga kandidato na isapubliko ang kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na 2025 National at Local Elections at sa mga susunod pang halalan.

Layon ng utos na ito na palakasin ang transparency at accountability pagdating sa mga kandidato para sa susunod na taon at sa mga susunod pang halalan.

Iminungkahi rin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa commission en banc ang pagpapatibay sa panukala ng paglalagay ng CoC sa website ng Comelec sa loob ng dalawang linggo ng filling period.

Samantala, sinabi rin ni Garcia na ang mga kandidatong maghahain lamang ng kanilang COC para lituhin ang mga botante dahil may kaparehong pangalan sa ibang aspirant, o kinuhang tumakbo kapalit ng pera, ay tatanggalin bago pa ma-imprenta ang mga balota.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this