COMMUNITY FIREWORKS, INIREKOMENDA NG DOH SA MGA LGU, MGA OSPITAL ISASAILALIM SA CODE WHITE ALERT 

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na mag organisa na lamang ng community fireworks display sakani-kanilang nasasakupan.

Kung saan may mga bihasa o ekpertong nakatalaga sa paggamit at pag operate ng mga paputok.

Sa paraan daw na ito maaaring magkaroon ng sabayang panonood ng fierworks ang kanilang mga residente ng hindi na sila nalalagay pa sa panganib dahil sa kagustuhan nilang magpaputok sakanila kanilang mga tahanan kahit hindi naman lisensyado o hindi sanay sa pagsisindi ng mapanganib na mga paputok.

Binigyang diin din ng ahensya na makakatulong daw ito na mapababa ang kaso ng mga pasyenteng dadagsa sa mga ospital.

Batay sa datos ng DOH noong 2024, umabot sa 844 ang fireworks related injuries na kanilang naitala habang 826 naman ang may kinalaman sa road traffic injuries sa kasagsagan ng holiday season mula yan December 21, 2024 hanggang January 06, 2025.

Kung hindi naman daw maiwasan ang pagpapaputok lalo na sa mga pamilyang naging tradisyon na ito, wag na lamang daw itong iasa sa mga bata at nakainom ng alak.

Wag na rin daw balikan ang mga sinindihang paputok na hindi pumutok o sumabog.

Mahigpit ding paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na wag pagsamasamahin ang mga pulbura ng mga paputok na hindi sumabog na maaari umanong magmitya ng aksidente.

Sa kabila naman ng paalala ng Kagawaran sa publiko, isasailalim pa rin daw nila ang mga DOH Hospital sa code white alert para mas maging handa sa posibleng dagsa ng mga pasyente isusugod sa mga pagamutan.

Share this