‘COMPLETE FAILURE’  ANG PANUNUNGKULAN NI VP SARA BILANG KALIHIM NG DEPED NOON — USEC. CASTRO 

Manila, Philippines – Isang “complete failure” kung ilarawan ni Palace Press Officer at Presidential Communications Officer (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang panunungkulan ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd). 

Sa press briefing ng Malacanang, sinagot ni Castro ang pahayag ni Duterte na nananatili ang sistema ng edukasyon sa paggamit ng lapis at papel. 

Ani Castro, ang kakulangan sa sektor ay salamin ng panunungkulang ni Duterte bilang kalihim sa nakalipas na dalawang taon. 

Mainit na sinabi ni Castro kung ano man ang nirereklamo ni Duterte ay dapat aniyang nalutas na noon pang nasa posisyon siya. 

Samantala tiniyak naman ng opisyal ng Palasyo na tinatrabaho na ni Education Secretary Sonny Angara ang mga problema at mga posibleng reporma sa edukasyon. 

Kabilang na ang pamimigay ng mga laptops, gadgets, at teaching materials na ipinocured noong 2020, ngunit nagamit lamang noong 2024.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this