Sinimulan na ang opisyal na confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Dumalo sa pagdinig ang panig ng prosekusyon, ang defense counsel ni Duterte, at ang mga hukom ng ICC upang pormal na basahin at talakayin ang kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya.
Sa pagdinig, naglatag ng kani-kanilang opening statement ang prosekusyon at depensa, kabilang ang pagsusumite ng kanilang mga argumento.
Ayon sa prosekusyon, pinangunahan umano ni Duterte ang isang common plan” upang i-neutralize ang mga hinihinalang kriminal mula pa noong siya ay alkalde ng Davao City hanggang sa maging Pangulo ng Pilipinas.
Iginiit ng prosecutor na ang mga krimen ay malawakan at sistematiko, na sinusuportahan ng mga testimonya ng mga saksi, opisyal na dokumento, at maging ng mga pampublikong talumpati na lumabas mismo sa bibig ni Duterte.
Samantala, iginiit ng depensa na mali at piniling bahagi lamang ng mga pahayag ng dating Pangulo ang ginamit upang palabasing may kriminal siyang intensyon.
Ayon sa depensa, ang mga talumpati ni Duterte ay layong magpatupad ng disiplina at kaayusan, at hindi upang mag-utos ng ilegal na pagpatay.
Magpapatuloy ang confirmation of charges hearing ni Duterte sa Martes.