CONG. SALCEDA, IPINAGSUSUMITE NG SWORN AFFIDAVIT ANG MGA HEALTH WORKERS NA HINDI PA RIN NAKATANGGAP NG HEA

Manila, Philippines – Iminungkahi ni House Special Committee on Food Security Chair at Albay 3rd District Representative Raymond Adrian Salceda na magsumite ng sworn affidavit ang mga unpaid health workers noong panahon ng pandemya.

Ayon kay Salceda, dapat ang nilalaman ng affidavit ay napagpapatunay na sila ay kuwalipikado sa naturang benepisyo, pati na rin ang iba pang detalye na kailangan upang matanggap ang matagal ng naantalang health allowance. 

Noong Setyembre 2024, sinabi ng Department of Health (DOH) na 90% ng mga payouts para sa health emergency allowance (HEA) na nagkakahalaga ng P103.5 bilyon ay nabayaran na. 

Kasarama rito ang P14.5 milyong mga claim mula sa mga health kasunod ng pag-release ng natitirang P27 bilyon para sa COVID-19 HEAs noong Hulyo 2024.

Batay sa ilang grupo ng mga health workers, marami pa rin daw ang hindi nakatatanggap ng HEA hanggang ngayon.

Kaya naman patuloy pa rin ang panawagan ng mga ito sa mga mambabatas na agad nang tugunan ng Department of Budget and Management (DBM) at ang Department of Health (DOH) ang nasabing isyu pa rin ng HEA.

“This is not a simple documentary requirement. It is the livelihood and the right of the people who served us during the most critical moments of the pandemic. If we have unpaid debt, we should address this immediately and help each other fix this,” aniya.

Matatandaan na nakapaglabas na ang DBM ng ₱121.325 bilyon mula 2020 hanggang unang bahagi ng 2025 para sa Public Health Emergency Benefits.

Kasama rito ang ₱27.453 bilyon noong July  2024 upang matustusan ang higit limang milyong Health Emergency Allowance claims at 4,283 kaso ng sickness at death compensation.

Sa kabila ng mga pondo na ito, marami pa ring mga claims ang nakabinbin dahil sa kakulangan o hindi pagkakatugma ng mga dokumento mula sa mga pasilidad.

Ayon pa sa ulat, nais ni Salceda na pag-aralan ng DBM at DOH ang mabilisang pamamahagi ng pondo na nakaantala pa rin hanggang ngayon.

Isinumite ni Salceda ang House Resolution Blg. 127 na nag-uutos sa DBM at DOH na tukuyin ang eksaktong halaga ng hindi nabayarang benepisyo at magsumite ng detalyadong ulat sa loob ng 30 araw.

Ani ni Salceda, nakakahiya sa mga frontliners na buwis buhay na nagtrabaho noong kasagsagan ng pandemya.

Dagdag pa niya, ang affidavit solution ay layong wakasan ang paulit-ulit na pagkaantala.

Ihahain ang affidavit sa DOH upang mapatunayan ito base sa opisyal na rekord.

Samantala, agad namang nagproseso ng bayad ang DBM habang isinasagawa pa lamang ng MAT Commission on Audit (COA) ang post-audit verification.—Lloyd Demependan, Contributor

Share this