DA: BUMABA NA SA 39 ANG MGA BARANGAY NA APEKTADO NG ASF

Quezon City, Philippines — Halos kalahati ang naitalang pagbaba ng Department of Agriculture sa bilang ng mga barangay na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Batay sa datos ng DA Bureau of Animal Industry (BAI), 39 na lamang ngayon ang mga ASF-affected cases mula sa 66 na tala hanggang katapusan ng Pebrero.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, hanggang nitong ika-14 ng Marso, naitala ang pagbaba sa mga barangay na may aktibong kaso ng sakit, sa loob ng 27 bayan at pitong rehiyon.

Iniuugnay ng DA ang pagbaba na ito sa mas mahigpit na border control measures ng ahensya, gayundin ang tuloy-tuloy na government-controlled vaccination.

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 28,000 doses ng bakuna ang na-administer na sa 29 na hog farms sa Luzon, partikular na sa mga lugar na may naitalang mataas na kaso ng sakit.

Share this