Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor and Employmemt (DOLE) sa mga employer, na may matatanggap dapat na karagdagang 30% sa arawang sahod ang mga manggagawang papasok sakanilang trabaho sa unang walong oras ng mga ito sa gabi ng All Saint’s Day, October 31 at All Saints Day, November 1.
Bukod pa dito ang 30% din na dagdag sahod ng mga manggawa kapag nag overtime pa ang mga ito.
Karagdagang 50% naman ang makukuha ng mga empleyado kung tumapat sa kanilang restday ang nasabing mga araw at pumasok sila para magtrabaho.
Ayon sa DOLE mahigpit itong ipatupad ng mga employer batay sa labor advisory na kanilang inilabas.
Special non-working days ang nabanggit na mga petsa, kaya’t malinaw na hindi bayad ang araw na ito sa mga empleyado na hindi papasok.
Maliban na lamang kung nagpapatupad ang isang partikular na kumpanya ng Collective Bargaining Agreement (CBA).
Samantala maaga na ring nagpaalala ang DOLE na ang Bonifacio Day sa November 30 ay regular holiday, ibig sabihin 100% na makukuha ng mga manggagawa ang kanilang buong sahod, pumasok man ang mga ito sa trabaho o hindi sa mismong araw.