Manila, Philippines – Halos apat na buwan bago ang midterm elections sa Mayo 2025, naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng panibagong pangkat ng mga batas at tuntunin pagdating sa political campaigns at materials ng mga kakandidatong politiko sa darating na halalan.
Alinsunod sa Comelec Resolution No. 11086, karamihan sa mga tuntunin ay dati nang ipinatutupad, ngunit may mga bagong regulasyong i-i-implementa ang COMELEC partikular na pagdating sa mga campaign materials.
Sa ilalim ng naturang resolusyon, ang mga kandidato at political parties ay mayroong 72 hours bago ang pagsisimula ng campaign period para alisin lahat ng mga ipinagbabawal na campaign materials na nakapaskil sa lahat ng mga pampublikong istruktura at lugar.
Magsisimula ang campaign period para sa pagka-senador at mga partylist sa ika-11 ng Pebrero, habang sa ika-28 ng Marso namana ng para sa mga congreional, provincial, city, at municipal.
Tatlong araw bago ang kampanya, kailangan nang baklasin ang mga nakapaskil na propaganda gaya ng pangalan, mga larawan, logo, brands, initials, at iba pang graphical representations sa mga pampublikong lugar.
Samantala, nakasaad din sa resolusyon ang magiging regulasyon pagdating sa mga LED billboards.
Para sa mga tatakbo sa national positions, hindi maaaring lumabis sa dalawang buwan ang mga outdoor LED billboard advertisements, by purchase man o donation. Hindi rin papayagan ang mga billboard ads na magkalapit ng 1km mula sa isa’t isa.
Para sa mga lokal na kandidato naman, isang buwan lamang ang ilalagi ng LED Advertisements, at ang radius limit ay 500m.
Kailangan na rin nilang magpaskil ng katagang “This material should be recycled or disposed of responsibly” sa mga printed campaign materials, at kailangan sumunod sa mga batas pagdating sa plastic at iba pang materyales.
Sa kabilang banda, saklaw din ng bagog resolusyon ang mga kargdagang proteksyon para sa mga media personnel sa eleksyon.
Alinsunod dito, ano mang karahasan sa mga miyembro ng media ay ituturing na election offense na may kaukulang parusa na pagkakabilanggo ng hanggang anim na taon, perpetual disquaification na makatakbo, at pag-aalis ng karapatang makaboto.