DAGDAG SINGIL SA MAYNILAD AT MANILA WATER ASAHAN SA PAGPASOK NG BAGONG TAON- MWSS

Manila, Philippines – Magkakaroon ng dagdag-singil sa tubig ang mga customer ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. pagsapit ng Enero 2026.

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Ty, kasunod ng pagpapatupad ng mga rate rebasing adjustments na inaprubahan pa noong 2023.

Ayon sa MWSS, bahagi ng naturang adjustments ang pag-update ng singil upang matugunan ang gastusin sa operasyon, maintenance, at mga proyektong pang-imprastraktura ng dalawang water concessionaire. 

Nilinaw naman ng ahensya na dumaan sa masusing pagsusuri at konsultasyon ang pag-apruba sa naturang dagdag-singil.

Dagdag pa ng MWSS, layon ng hakbang na matiyak ang tuloy-tuloy at maaasahang suplay ng tubig, gayundin ang pagpapabuti ng mga serbisyo para sa mga konsyumer sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Share this