DALAWANG CHINESE, ARESTADO SA QUIAPO DAHIL SA OPERASYON NG LOVE SCAM HUB

Manila, Philippines – Dalawang Chinese nationals ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Quiapo, Maynila, matapos mahuli ang operasyon ng isang ‘Love scam hub’.

Ang isinigawang operasyon ay bilang pag-sunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr.

Ayon kay BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Ryan Sy, nakilala si Wang Huihuang, 30 taon gulang na siyang head ng operasyon at si Liu Lin, 35 taon gulang na siyang nangangasiwa naman ng operasyon ng scamming.

Nakuha sa kanila ang anim na computer na kanilang ginagamit sa dating sites, social media, at messaging apps, para makapanloko at makapanlinlang ng tao.

Layon ng kanilang panloloko na makahingi ng pera sa mga nabibiktima nito.

Napag-alaman din na labis na labis na panahon na ang itinagal ng mga suspek nang walang passport o mga papeles sa bansa.

Nailigtas naman sa operasyon ang dalawang Malaysian na sapilitan umanong pinagtrabaho sa love scam ng dalawang suspek.

Mahaharap sa deportation ang dalawang Chinese national, habang ang dalawang Malaysian ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking at sa Malaysian Embassy para mabigyan ng tulong. – WENN DELA CRUZ, Eurotv News Contributor

Share this