DALLAS, NASUNGKIT ANG HOMECOURT ADVANTAGE NG WOLVES SA KANILANG GAME 1

MINNESOTA USA – Nasungkit ng Dallas Mavericks ang kanilang unang panalo laban sa Minesota Timberwolves sa kanilang best of 7 series ng Western Conference Finals sa score na 108-105.

Lumamang ng anim na puntos ang Wolves sa pagtatapos ng first quarter sa score 27 33.

Pero nag iba ang ihip ng hangin sa mga sumunod na kwarter matapos isarado ng Dallas ang second half sa score na 32-29 pabor sa Mavs.

Gumawa si Luka Doncic ng 33 points, 6 rebounds at 8 assists habang nag ambag naman si Kyrie Irving ng 30 points 5 rebounds 4 assists para sa Mavs.

Habang gumawa naman ng 24 points, 4 rebounds, 3 assists si Jaden McDaniel’s at 19 points, 11 rebounds 8 assists naman para kay Anthony Edwards sa panig ng Minnesota.

Nakatakda ang Game 2 ng dalawang koponan sa May 25 sabado 8:30 ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this