DATING DEPED CHIEF, VP SARA DADALO SA PALARONG PAMBANSA 2024

Manila Philippines — Matapos ang pagbibitiw bilang Secretary ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Vice President Sara Duterte na dadalo pa rin ito sa opening ceremony ng 2024 Palarong Pambansa.

Ang taunang pambansang laro ay idaraos ngayong taon sa Cebu City kung saan ito ay itinakda mula Hulyo 9 hanggang 16.

Dagdag nito ay sinabi rin ni Duterte na dadalo siya sa National Learners’ Convergence, National Learning Camp, at Brigada Eskwela.

Noong Hunyo 19, bumaba sa panunungkulan si Duterte bilang DepEd chief at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Co-Vice Chairperson.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang papalit sa puwesto ni Duterte.

Kaugnay naman nito ay sinabi ni Department of Education (DepEd) Region VII director Salustiano Jimenez noong na lahat sila ay nakahanda na para sa darating na Palarong Pambansa.

Ani Jimenez na kaunting finishing touches na lang ang ginagawa sa mga playing venues at billeting quarters.

Idinagdag pa nito na habang inaasahang dadalo si Bise Presidente sa pagbubukas ng kaganapan, wala pa ring pinal na kumpirmasyon kung dadalo rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Higit pa rito, sinabi niya na inaasahan niyang malalagay ang Region 7 sa top five performing teams kapag nagtapos ang naturang mga laro sa Hulyo 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this