DATING MAMBABATAS KINONDENA ANG PAGBANGGA NG CCG SA PCG VESSEL

Manila Philippines — Dalawang barko ng Philippine Coast Guard ang nasira dahil sa pagbangga ng Chinese Coast Guard vessel sa bahagi ng Escoda Shoal.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng Rotational Resupply Mission ng mga PCG sa West Philippine Sea.

Kinondena ng grupong Bayan muna ang nangyaring insidente sa loob ng karagatan na pasok sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Ayon kay Dating House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Executive Vice Presidnet Carlos Zarate,  malinaw na labag sa international law ang umanoy mapangahas na pagatake ng mga barko ng China sa soberyanya ng Pilipinas.

“This latest act of aggression is an outrageous assault on our sovereignty and a clear violation of international law,” ayon kay Zarate sa isang pahayag.

Panahon na raw upang dalhin sa International Community ang pinakabagong mapanganib na panunukso ng China sa West Philippine Sea.

Pero babala ng Bayan Muna hindi na raw dapat mangialam ang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas dahil posible itong magdulot ng pagtaas ng tensyon.

“It is high time to bring these aggressive acts to the concerned international tribunal, even to the United Nations. But, even as we call for a stop to China’s continuing aggression, Bayan Muna also warns other western powers led by the US not to exploit the situation to further heighten tensions in the West Philippine Sea,” dagdag pa ni Zarate.

Depensa ng gobyerno ng China, binalewala raw ng mga Barko ng Pilipinas ang umanoy paulit-ulit na babala ng CCG na nagresulta sa kolisyon.

Wala pang pahayag dito ang Department of Foreign Affairs (DFA), pero una nang nagkasundo ang Beijing at ang Manila sa provisional understanding sa RORE mission sa West Philippine Sea.

Share this