MANILA PHILIPPINES – Muli nanamang naglabas ng pahayag si dating Senator Antonio Trillanes IV kaugnay sa umanoy inaasahang arrest warrant na ilalabas ng International Criminal Court laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at VP Sara Duterte sa Hunyo o Hulyo ng 2024.
Bukod pa rito ani trillanes may mga susunod pang batch na kinabibilangan ng iba pang personalidad o principal actors sa war on drugs campaign ng dating administrasyon.
Ilan sa mga ito ay sina dating PNP chief at Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at dati nitong aide na si Senator Bong Go.
Sabi ng dating senador hindi lang umano ito basta marites lang o nagpapakalat ng tsismis dahil nakikipag-ugnayan na ito sa mga kinatawan ng ICC noon pang 2017, simula noong preliminary examination nito.
Una ng sinabi ni Trillanes na kinausap ng ICC ang mahigit 50 aktibo at dating mga pulis na nagsilbi sa ilalim ng Duterte administration para sa kanilang naging papel sa madugong war on drugs
ng nakatatandang duterte.
Bagay naman na kinukumpirma pa ng Philippine National Police (PNP).