DAVAO ORIENTAL, IDINEKLARA SA STATE OF CALAMITY MATAPOS ANG MALALAKAS NA LINDOL 

Davao Oriental, Philippines – Naglabas ng resolusyon ang pamahalaang panlalawigan ng Davao Oriental upang isailalim ang lalawigan sa State of Calamity matapos yanigin ng dalawang malalakas na lindol magnitude 7.4 at 6.8 noong Oktubre 10, 2025.

Sa ilalim ng deklarasyong ito, magkakaroon ng kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang emergency fundat ipatupad ang mga agadang hakbang upang matulungan ang mga apektadong residente at komunidad.

Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagbibigay ng relief goods, medical assistance, at pagkukumpuni sa mga nasirang pasilidad gaya ng mga paaralan, ospital, at iba pang estrukturang pampubliko.

AFTERSHOCK MULING NIYANIG ANG MANAY, DAVAO ORIENTAL 

Niyanig ng Magnitude 4.0 na aftershock ang bayan ng Manay sa lalawigan ng Davao Oriental bandang alas-8:30 ng umaga ngayong Martes, Oktubre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang naturang aftershock ay bahagi pa rin ng serye ng pagyanig na nag-ugat sa malakas na Magnitude 7.4 na lindol na tumama sa probinsya noong Oktubre 10.

Batay sa pinakahuling tala ng PHIVOLCS ngayong alas-8:00 ng umaga, umabot na sa 1,281 ang kabuuang bilang ng naitalang aftershocks mula noong pangunahing lindol.

Patuloy na pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga eksperto, lalo na sa mga nasa landslide- at earthquake-prone areas.

Share this