DBM, ININSPEKSYON ANG EDSA BUSWAY AT ILANG ACTIVE TRANSPORT INFRASTRUCTURE PROJECT SA METRO MANILA

Manila, Philippines – Ininspeksyon ng Department of Budget and Management (DBM) ang EDSA Busway Station rehabilitation project at iba pang active transport infrastructure projects sa ilang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Pinangunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang pag-iikot at pag-i-inspeksyon, layunin ng aktibidad na alamin kung naipatutupad ang mga proyekto ng gobyerno at kung nararamdaman ng publiko ang bawat piso at sentimo ng national budget. 

Ayon sa kalihim, titignan rin nito ang estado ng EDSA Busway rehabilitation project, kung ito raw ba ay commuter-friendly, at inklusibo sa mga PWDs at mga senior citizens, gayundin ang mga bike lane projects para makita kung ano pa ang puwedeng mapaayos. 

Alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na siguruhing maayos na naipatutupad ang mga proyekto ng gobyerno. 

Kasama rin ng kalihim sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, Quezon City Mayor Joy Belmonte at ilan pang opisyal ng pamahalaan. —Ella Corazon, Eurotv News

Share this