DEFENSE COUNSEL NI FPRRD, INILATAG ANG DEPENSA

Sa pagpapatuloy ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, inilatag ng defense panel ang kanilang mga argumento laban sa kasong crimes against humanity.

Sa pagdinig, iginiit ng lead defense counsel na si Nicholas Kaufman na walang direktang ebidensiya na nag-utos si Duterte ng pagpatay sa ilalim ng kanyang kampanya kontra ilegal na droga.

Ani Kauffman, maliit na porsiyento lamang ito kumpara sa kabuuang bilang ng mga naaresto.

Ibinaling din niya sa ICC kung bakit hindi nila isinusuri ang mga pagpatay na naiulat matapos ang kanyang termino, dahil nagpatuloy daw ito sa kasalukuyang Marcos administration. 

Nilinaw din niya ang terminong “neutralization” sa police procedures.

Tumutukoy raw ito sa pag-aresto o pagpigil sa banta, at hindi awtomatikong pagkitil ng buhay.

Ayon pa sa depensa, ang mga maanghang na pahayag ni Duterte sa kanyang mga talumpati ay hindi indikasyon na may criminal intent ito.

Binatikos din ni Kaufman ang ilang ulat ng media sa mga talumpati ng dating pangulo.

Dahilan niya, pinipili lamang umano ng mga media ang mga sinambit niya sa publiko.

Magpapatuloy ang huling araw ng confirmation of charges ni Duterte ngayon.

Share this