DENR-12, NAKAKOLEKTA NG 350 KILO NG BASURA SA CLEANUP DRIVE

Umabot sa 350 kilo ng basura ang nakolekta ng DENR sa isinagawang cleanup drive sa SOCCSKSARGEN.

Pinangunahan ng DENR Region 12 ang paglilinis sa iba’t ibang ilog sa rehiyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Water Day.

Ayon sa DENR, karamihan sa nakolektang basura ay non-biodegradable mula sa mga water bodies tulad ng Nuangan, Big Margus, Kalaong, at Limulan Rivers.

Tinatayang nasa 300 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang nakiisa sa naturang aktibidad.

Sinabi ni Regional Executive Director Maria Elvira Lumayag na mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang mapangalagaan ang mga daluyan ng tubig.

Dagdag niya, nagsagawa rin ng information campaign ang ahensya upang mapalawak ang kaalaman ng publiko sa water protection at environmental issues.—Carlos Concha, Contributor

Share this