DEPED: HILING NA MAIWASANG MAGAMIT ANG PAARALAN TUWING TAG-ULAN

MANILA, PHILIPPINES – Nangangamba ngayon ang Department of Education (DepEd) sa nalalapit na tag-ulan sa bansa, bunsod ng posible na magamit ang mga paaralan bilang evacuation center na magdudulot lamang daw ng pagkaatala ng mga pasok ng mga estudyante.

Kaya naman umaapela ngayon ang DepEd sa mga lokal na pamahalaan na iwasan na ipagamit ang mga paaralan bilang evacuation center.

Suhestyon ng kagawaran na humanap na lamang ang mga LGU’s ng ibang pasilidad upang gamitin na pansamantalang tirahan ng mga naapektuhang pamilya.

Matatandaang naglabas noon ang ahensya ng DepEd Order No. 37 na nag-uutos na dapat 15 araw lamang mananatili sa mga paaralan ang mga naapektuhan ng kalamidad.

Ayon kay Education Undersecretary at Spokesperson Michael Poa ang kanilang apela ay isinangguni na raw nila ngayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mga maaaring hakbang na gagawin para maiwasan ang paggamit ng mga paaralan.

Tuloy-tuloy rin daw ang koordinasyon ng Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa nasabing usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this