DEPED MAGPAPATUPAD NG APAT NA ARAW NA WELLNESS BREAK SA MGA GURO, ESTUDYANTE SIMULA OCT. 27

Manila, Philippines – Sa hiling na rin ng mga guro na bigyan sila ng panahon na pansamantalang makapagpahinga mula sa sunod sunod na kalamidad na tumama sa bansa maging ang iba pa nilang mga iniisip—napagdesisyunan ng Education Department na bigyan ang mga ito ng ilang araw na break sa eskwelahan sa susunod na linggo at syempre kasama na rin dito ang mga estudyante.

Alamin ang kabuuan ng balitang yan sa aking report.

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na simula October 27 hanggang October 30, apat na araw na magkakaroon ng wellness break ang mga guro at estudyante sa mga paaralan.

Sa bisa yan ng inilabas na direktiba ng Kagawaran upang mabigyan ng sapat na pahinga ang mga ito.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang ideya na magpatupad ng wellness break ay nagmula sa linggo linggo nilang pagbisita sa mga paaralan.

Kung saan nananawagan ang mga guro ng oras para sila ay makapagpahinga at makasama ang kanilang pamilya.

Idinagdag din ng DepEd na may mga guro at esduyante sa mga lugar na tinamaan ng nagdaang lindol at bagyo na hindi rin nakakaligtas sa pagkakaroon ng mala-trangkasong sakit.

Kaya’t ang pagpapatupad daw ng ilang araw na pahinga ay nararapat lamang daw sa kanila.

Samantala nakasaad din sa inilabas na anunsyo na ang In-Service Training (INSET) ng mga guro ay isasagawa na lamang pagkatapos ng break o sandaling makabalik na ang mga ito sa paaralan sa November 3 pagkatapos ng paggunita sa Undas.

Share this