DEPED, NAGBABALA LABAN SA “FAKE NEWS” HINGGIL SA UMANO’Y PAGTATANGGAL NG GRADE 11 AT 12 SA S.Y.2026-2027

Manila, Philippines – Naglabas ng babala ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng kumakalat na maling impormasyon sa social media na nagsasabing aalisin umano ang Grade 11 at Grade 12 sa darating na School Year 2026–2027.

Ayon sa DepEd, walang katotohanan ang naturang post at nanawagan ang ahensya sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita at ibinabahagi online. Hinimok din nito ang lahat na i-report ang mga pinagmumulan ng ganitong uri ng fake news upang hindi na kumalat pa ang maling impormasyon.

Binigyang-diin ng DepEd na tanging mga opisyal nitong social media accounts at website ang dapat pagkunan ng tama, beripikado, at opisyal na anunsyo mula sa ahensya.

Patuloy namang pinaalalahanan ng DepEd ang publiko na suriin ang mga impormasyon bago magbahagi upang maiwasan ang pagkalito at paglaganap ng maling balita.

Share this