Manila, Philippines – Sa pagpasok ng taon kasabay ng pagkaka-apruba ng General Appropriations Act (GAA) kasama na ang sa budget ng Department of Education (DepEd) ngayong 2026, nanindigan ang ahensya na mas pagtitibayin pa nila ang sistema sa pagbibigay ng Senior High School voucher para hindi na maulit pa ang ilang mga ghost beneficiaries ng programa na nadiskubre kasabay ng mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kung dati mas maagang ibinibigay ang voucher sa mga eskwelahan para sa mga senior high school, ngayon daw ay mas mahigpit na ipinatutupad ang 5-step validation process.
BISITAHIN DITO: https://www.facebook.com/photo/fbid=1314599564041847&set=pcb.1314600007375136
Batay sa pagtatala ng Kagawaran ng Edukasyon, aabot sa mahigit P37.58M ang halagang sangkot sa mga ghost beneficiaries ng SHS Voucher program.
Pitong kaso na ang kanilang naihain na kasalukuyan ngayong dumadaan sa pag-iimbestiga na nakahanda na rin para sa prosekusyon.
Apat sa mga kasong naisampa na ng DepEd ay laban sa tatlong mga paaralan na natukoy na may mga guni-guning estudyante na kabilang są programa na tumatanggap umano ng voucher.
Samantala habang nagkakaroon ng cross checking sa school submissions ng mga learners at mapatunayan na may inconsistency sa record na hindi tuloy tuloy sa paggamit ng voucher, maaaring tanggalin ang voucher.