Manila Philippines — Pinayagan nang muli ng gobyerno ng Pilpinas ang pagpapadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Kuwait.
Base ito sa naging huling pagbisita ni Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalia sa gobyerno ng Kuwait.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, kabilang sa mga naging pakay ni Olalia sa Kuwait ay ang pakikipagpulong sa kaso ng tatlong OFW na nasawi dahil sa sunog sa Al-Mangaf.
Dalawa OFW ang nagtamo ng matinding injury dahil sunog.
RELATED: OFW BIKTIMA NG SUNOG SA KUWAIT, NAKALABAS NA NG ICU – DMW
Tinalakay din daw sa pagitan ng Pilipinas at ng gobyerno ng Kuwait ang pagsasampa ng civil case sa suspect na pumaslang sa OFW na si Jullibee Ranara.
Bukod pa ito sa mga kasong kriminal na una nang isinampa laban sa suspek na pumaslang kay Ranara.
“Alam natin na convicted ng 16 years imprisonment ‘yung salarin but that’s not the complete justice na gusto natin dahil meron pang civil aspect ito and right now we’re working with the lawyers and the family of Julleebee andito lang sila nung isang araw sa DMW. Isinasagawa ngayon ‘yung filing of the civil action for damages through our lawyers,” ayon kay Cacdac sa press briefing.
Nagpagkasunduan sa pagitan ng Kuwait at ng Pilipinas ang muling pagpapadala ng parehong skilled workers sa Kuwait at maging ang domestic worker.
“Bunsod ng pag uusap nina Undersecretary Bernard and the Kuwaiti authorities, no less than the Kuwaiti Ministry of Interior kausap ni Usec. Bernard tungo sa pagpayag muli, pagbukas muli ng deployment ng skilled workers in Kuwait, non-domestic workers,” dagdag pa ng kalihim.
Inaasahang tatagal ng dalawang linggo hanggang isang buwan ang deliberasyon ng Kuwaiti government at ng Pilipinas para sa muling pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.
Ayon pa kay Cacdac, bunga din ito ng naging sideline meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at Crown Prince ng Kuwait sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Gulf Cooperation Council (GCC) Oktubre noong nakaraang taon.
January 2023 noong pinagbawalan ng gobyerno ng Pilipinasa ng pagpapadala ng first-time workers sa Kuawait bunsod ng pagkamatay ni Ranara.