Manila Philippines — Tinuligsa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang illegal na aktibidad ng mga tauhan ng China laban sa mga personnel ng Philippine Navy na nagsasagawa re-supply mission sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Sa isang pahayag sinabi ng DFA na nababahala sila sa agresibong ikinilos ng China na nagdulot ng injuries sa mga tauhan ng militar.
“The Department of Foreign Affairs expresses grave concern over the incident that occurred in the Ayungin Shoal during a humanitarian mission to BRP Sierra Madre on 17 June 2024. The DFA denounces the illegal and aggressive actions of Chinese authorities that resulted in personnel injury and vessel damage,” ayon sa pahayag ng DFA.
Kahapon kinumpirma ng National Security Council (NSC) na kasama ng Philippine Coast Guard (PCG) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa re-supply mission para maghatid ng humanitarian aids sa mga tropang nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Nangyari ang insidente ng June 17 sa kasagsagan ng regular na Rore mission ng tauhan ng militar.
Gayunpaman, mananatili daw ang Pilipinas sa pamamagitan ng DFA sa pagsusumikap na mabuong muli ang kaaya-ayang negosasyon at konsultasyon sa pagitan ng China at ng Pilipinas sa South China Sea.
“… the Department has been exerting efforts to rebuild a conducive environment for dialogue and consultation with China on the South China Sea,” paliwanag pa ng DFA.
Umaasa rin ang DFA maging sinsero, responsible at tigilan na ng China ang mga ganitong uri ng insidente na nagdudulot ng panganib sa mga tauhan at sasakyan ng militar.
Nananawagan ang DFA sa China na sumunod sa international law partikular na sa UNCLOS o UN Convention on the Law of the Sea at 2016 Arbitral Ruling.
Kasabay nito, muling naghain ng panibagong diplomatikong protesta ang DFA laban sa China.
Mula January hanggang June 18, 2024 tatlumpong protesta na ang naihain ng Pilipinas, habang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umabot na sa 163 ang protestang naihain laban sa China.
RELATED: DFA FILES PROTEST VS CHINA’S FISHING MORATORIUM IN SCS