MANILA PHILIPPINES – Nababahala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) kasuonod ng pagpayag ng social media site na “X” (dating twitter) na papayagan na nito ang
mga X rated content sa kanilang platform.
Ginawa ng DICT ang pahayag kasunod ng pag anunsyo ng may ari ng naturang social media app na si Elon Musk na pinapayagan na nito ang mga adult content.
Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, patunay lamang ito na kailangan na talagang ma-regulate ang social media, katulad ng pag-himok nila sa iba pang social platforms.
Sa ngayon, ang tanging magagawa lang aniya ng ahensya ay ang subaybayan ang pag-unlad na ito at panghawakan ang pangako ng X na ibu-blur nito ang mga sensitibong content.
“This is for us alarming kasi this is also a cultural sensitivity issue… Kailangan talaga ma-regulate na natin yung social media kasi hindi naman porke’t — they being a Western brand — think that this is okay…means its okay for us,” ayon kay DY.
Ang adult content at nudity sa X ay nuon pa man di gaya ng facebook at instagram na mahigpit ang mga panuntunan.
Ani Dy susubaybayan nila ang naturang hakbang ng X at panghahawakan ang panagko nito na i blur ang mga larawan para sa publiko at ang mga adult content ay ma a-access lamang ng mga nasa tamang
gulang.
Sinasabi ng platform na binabalanse nila ito sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagkakalantad sa mga bata o mga user na nag-oopted out sa panonood ng naturang content.
Inamin ni Dy na sa kasalukuyan, wala pa sa ngayon magagawa ang DICT maliban na lang kung menor de edad ang nasa mga larawan o video.