MANILA,PHILIPPINES – Makikipagtulungan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Kongreso para sa muling reclassification ng mga link sa internet bilang “Public service,” na hindi na kakailanganin pa ng bayad para sa rental payments ng
internet connectivity.
Tinukoy ni DICT Assistant Secretary Renato Paraiso ang House Bill Nos. 900 at 8534 na naglalayong amyendahan ang National Building Code of the Philippines.
Isinusulong ng HB No. 900 ang pagsasama ng sapat na espasyo para sa mga pasilidad para sa broadband connectivity ng bansa habang ang HB No. 8534 ay naglalayong tanggalin ang mga lease ng mga telecommunication companies.
Samantala sa pinakahuling datos mula sa DICT ay nagpakita ng hindi bababa sa 65% ng populasyon ay walang internet access.