Manila, Philippines – Pormal nang inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang Digital Senior Citizen ID sa egovph app.
Sa naturang app hindi na kailangan pang pumila ng mga senior citizen sa kahit anong ahensya ng pamahalaan para makuha ang kanilang id.
Hindi na rin nila kailangan magpasa ng anumang dokumento na naglalaman ng kanilang impormasyon, dahil awtomatikong matatanggap ng mga ito ang senior citizen ID basta nakaregister Egovph app.
Maaari namang magamit ang id sa mga benepisyo at diskwento ng mga nakatatanda.
Sinumang nakarehistro rin sa app na tutuntong sa edad na 60 na mkay verified digital identity mula sa National ID ay agad ding mabibigyan ng senior ID.
Layon ng DICT AT NCSC na gawing digitalize ang pag access ng mga nakatatanda sa iba’t ibang serbisyo ng gobyerno para sa kanila gamit lang ang smartphones.
Bukod dyan magsisilbi rin daw ito records ng pamahalaan para maiwasan ang pandaraya, pamemeke ng senior citizen id at iba pang panganib na banta sa sa kanila.
Batay sa DICT higit sa walong milyon ang bilang ng mga senior citizen sa buong bansa, habang higit isang milyon naman ang kasalukuyan ng naka rehistro na sa Egovph app.