DILG IIMBESTIGAHAN ANG ILANG INDIBIDWAL NA NANAWAGAN SA PAGBABA SA PUWESTO NG PANGULO

Manila, Philippines – Nag-utos ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang ilang indibidwal na nanawagan ng pagbaba sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isinagawang kilos-protesta kahapon.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, posibleng maharap sa kasong inciting to sedition ang mga nagpaabot ng naturang panawagan.

Gayunpaman, sinabi ni Remulla na kuntento siya sa inilatag na seguridad sa unang araw ng protesta. 

Aniya, sa pangkalahatan ay naging payapa at maayos ang daloy ng mga aktibidad sa kabila ng mga sigaw at hinaing ng mga raliyista.

Layon ng tatlong araw na kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) na ipanawagan ang transparency sa gobyerno at panagutin ang mga tiwali.

Share this