DILG, PINAPAIGTING ANG DIGITAL GOVERNANCE SA ILALIM NG BIMS 

Manila, Philippines – Pinabibilis ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang digital transformation sa mga barangay sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng Barangay Information Management System (BIMS), isang inisyatibong layong gawing mas mabilis, episyente, at data-driven ang pamamahala sa antas ng pamayanan.

Ang hakbang na ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na yakapin ang digitalization upang makapagbigay ng mas mahusay at tumutugong serbisyong publiko.

Ang BIMS ay nagsisilbing centralized platform para sa pag-encode, pag-iimbak, at pagkuha ng mahahalagang data ng barangay tulad ng household profiles, individual records at iba pa, na ginagawang mas organisado ang local operations sa mga pangangailangan ng komunidad.

Sa pinakahuling monitoring ng DILG nasa 11,658 barangays o 27.7 percent of the country’s 42,011 barangays ang naka-orient na sa BIMs, samantala 7,083 na barangay o 16.9 percent ang mayroon ng access sa system. 

Target naman ng departamento na dadagdagan ang mga numerong ito sa kasalukuyang taon.

Binigyang-diin din ng DILG na ang mga barangay ay dapat mahigpit na itaguyod ang data privacy at security protocols.

Ang lahat ng nakolektang data ng sambahayan at indibidwal na antas ay dapat protektahan alinsunod sa mga umiiral nang pamantayan sa pagiging confidential.

Share this